Isinuko ng Punong Barangay ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Kiangan Municipal Police Station sa Barangay Hall ng Ambabag, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-12 ng Hulyo 2025.
Nabatid na ang baril ay boluntaryong isinuko sa Punong Barangay na pagmamay-ari ng isang residente na piniling hindi magpakilala para sa kanyang personal na seguridad.
Ang nasabing baril ay isang Cal .38 revolver na walang serial number, walang bala, at may markang “SW” sa hawakan.
Ang pagsuko ng baril ay bunga ng patuloy at masigasig na kampanya ng Kiangan PNP laban sa mga ligaw o iligal na baril, bala, at pampasabog sa pamamagitan ng malawakang pagbibigay ng impormasyon at tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga Opisyal ng Barangay sa kanilang nasasakupan.




