Bilang bahagi ng pagpapaigting sa implementasyon ng programa at pagtitiyak sa kalidad ng serbisyong naihahatid sa mga benepisyaryo, nagsagawa ang ‘Walang Gutom Program’ ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ng market survey ngayong araw, ika-11 ng Hulyo, 2025 sa Ilagan City Public Market at Santiago City Public Market sa lalawigan ng Isabela.

Layunin ng survey na alamin ang kasalukuyang presyo, kalidad, at suplay ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan upang matiyak na ang mga pagkaing ipinapamahagi sa ilalim ng programa ay abot-kaya, masustansya, at pasok sa itinakdang pamantayan sa nutrisyon.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng programa na mapabuti ang serbisyo at matiyak ang tuloy-tuloy na tulong para sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Patuloy na magbibigay serbisyo at tulong ang DSWD FO2 para sa mamamayan para sa Isang maganda at maunlad na pamayanan.
Source:DSWD Region II




