Pinarangalan ang isang 76-anyos na lolo matapos buong tapang na sumali sa isinagawang Fun Bike ng Ifugao PNP sa Poblaciaon North, Lagawe Ifugao nito lamang nito lamang ika-8 ng Hulyo 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jeremias G Oyawon, Provincial Director ng Ifugao Police Provincial Office, ang pinakamatandang finisher na si G. Alberto T. Lumauig, na buong tapang at lakas na sumali sa mahabang trail ng nasabing Fun Bike.
Nagsimula ang ruta sa Ifugao PPO Ground pababa sa Ibulao Bridge, papunta sa Barangay Hucab, Kiangan, at tumawid pa balik sa IPPO sa pamamagitan ng Caba-Lagawe Road.
Pinarangalan din ang tatlong nanguna mula sa civilian category, tatlong nagwagi sa Uniformed category at special award para sa nanguna sa Female Category.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang sa ika-30 Police Community Relations Month at bilang suporta sa PNP Wellness Program at idinisenyo upang higit na mapatibay ang ugnayan ng Pulisya, partners/stakeholders at komunidad.
“Nais kong maging inspirasyon at halimbawa sa mga kabataan. Ang malusog na pamumuhay na walang mga bisyo ay magdadala sa isang malusog at mas mahabang buhay”, ani G. Lumauig.






