16.6 C
Baguio City
Friday, June 26, 2026
spot_img

Outreach Program ng DPWH-CSDEO, naghatid ng ngiti sa mga mag-aaral ng Abulug, Cagayan

Matagumpay na isinagawa ng Department of Public Works and Highways – Cagayan 2nd District Engineering Office (DPWH-CSDEO), katuwang ang District Engineers’ League of the Philippines (DELP), ang outreach program na “Gamit Pang-Eskwela, Hatid ay Saya” sa Libertad Elementary School, Abulug, Cagayan nito lamang ika-2 ng Hulyo, 2025.

Pinangunahan nina Emmanuel A. Mansibang, OIC-District Engineer; at Romeo Yaquin, Assistant District Engineer, ang nasabing aktibidad.

Namigay ang DPWH-CSDEO ng mga school supplies sa 35 piling mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6. Ang programang ito ay isinagawa upang matugunan ang ilan sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga bata, at hikayatin silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang may mas mataas na motibasyon.

Sa ikawalong taon ng matagumpay na pagpapatupad, bahagi ito ng malawakang kampanya ng DELP upang suportahan ang mga mag-aaral sa buong bansa, kasabay ng adhikain ng DPWH na hindi lamang magpatayo ng mga gusaling pang-edukasyon kundi maging katuwang sa pagbibigay ng mga batayang kagamitan sa pag-aaral.

Higit pa sa simpleng pamamahagi ng gamit pang-eskwela, nagdulot ito ng pag-asa at inspirasyon sa bawat batang tumanggap. Ito ay isang paalala na mahalaga ang kanilang kinabukasan. At sa patuloy na pagtutulungan ng DPWH at DELP, unti-unting lumiliwanag ang bukas ng bawat benepisyaryong mag-aaral.

Sa mga ganitong inisyatiba, muling pinapatunayan ng gobyerno at mga katuwang na ahensya na ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan, kundi ng buong pamayanan kung saan ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay may kakayahang baguhin ang kinabukasan ng isang bata.

Source: DPWH R02

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles