16.1 C
Baguio City
Friday, June 26, 2026
spot_img

P20/kilo na bigas, magsisimula nang mabili sa bayan ng Reina Mercedes ngayong buwan ng Hulyo

Patuloy ang pag-arangkada ng “Benteng Bigas Meron na” (BBM) program kung saan magsisimula na rin itong mabili sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela.

Batay sa DOLE Isabela, ngayong buwan ng Hulyo ay mabibili na ang bente pesos kada kilo ng bigas sa Universal Leaf Philippines Inc. sa nabanggit na bayan. Nagsimulang ilunsad sa lalawigan ng Isabela ang nasabing programa sa isang ospital sa Santiago City kung saan nasa 236 na manggagawa ang nakinabang.

Pinangunahan ito ng DOLE Isabela sa koordinasyon sa Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), at Food Terminal Inc. (FTI) Bawat kawani ay nakabili ng hanggang sampung kilo ng bigas sa halagang bente pesos kada kilo.

Ang inisyatibang ito ay naglalayong matulungan ang minimum wage earners na makabili ng mas murang bigas bilang tugon sa patuloy na tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Source: DOLE Isabela

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles