17.2 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

DOH R2, pinasinayaan ang BUCAS Center sa Isla ng Sabtang

Matagumpay na pinasinayaan ng Department of Health Regional Office II ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center para sa mas inklusibong serbisyong pangkalusugan sa isla ng Sabtang, Batanes noong ika-27 ng Hunyo, 2025.

Nasa 1,969 na residente ang benepisaryo na agarang mahahandugan ng serbisyong medikal na madalas na naaantala ang pagresponde sa mga kritikal na kondisyon o emergency dahil sa malayong distansya, limitadong transportasyon, at malalakas na alon.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Undersecretary ng Kagawaran ng Kalusugan,
binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng naturang pangarap sa ilalim ng Universal Health Care Act at sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan.

Ang pagbubukas ng pasilidad ay sinamahan ng orientation para sa mga health workers at opisyal ng barangay, pagsusuri ng kahandaan sa operasyon, at konsultasyon sa komunidad upang mas mapaunlad pa ang serbisyong pangkalusugan.

Layunin ng programa na makapagbigay ng Universal Health Care (UHC) sa mga liblib na isla, at pinatitibay ang isang mahalagang prinsipyo na — Walang Pilipinong dapat mapag-iwanan, gaano man kalayo o kahirap marating.

Source: DOH Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles