17.2 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Mayor NiƱa, namahagi ng libreng gamit pang-eskwela sa mga estudyante ng Bayambang

Masayang sinalubong ng mga magulang at mag-aaral ng Bayambang ang pamamahagi ng libreng gamit pang-eskwela na pinangunahan ni Mayor NiƱa Jose-Quiambao nitong Hunyo 10, 2025.

Kabuuang 17,429 na school supply packs ang ipinamahagi sa lahat ng 53 pampublikong elementarya sa buong bayan, bilang bahagi ng taunang programang pang-edukasyon ng lokal na pamahalaan.

Ang bawat pack ay naglalaman ng mga pangunahing gamit tulad ng pad paper (ayon sa antas mula Grade 1 hanggang Grade 6), krayola, ballpen, lapis, at mga notebook; mga gamit na madalas na tinututukan ng mga magulang tuwing pasukan.

Nagsimula ang proyektong ito noong 2016 sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Cezar T. Quiambao at patuloy itong isinasakatuparan sa kasalukuyan gamit ang pondo mula sa Children’s Welfare Fund ng LGU na may halagang Php2 milyon.

Patuloy namang nangako ang LGU ng Bayambang na susuportahan ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mga programang tunay na nakatuon sa kapakanan ng kabataan.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles