Ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Capas ang social pensions sa mga Indigent na mga Senior Citizen sa Brgy. Dolores, Capas, Tarlac nito lamang Miyerkukes ika-4 ng Hunyo, 2025.
Pinangunahan ni Mayor Roseller “Boots” Rodriguez , Vice Mayor Alex Espinosa at Brgy. Officials katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs at Municipal Treasury Office.
Layunin ng programa na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga nakatatandang kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan, upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin gaya ng pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa publiko na suportahan ang mga programa para sa kapakanan ng mga senior citizen at iba pang marginalized sectors.






