Matagumpay na naitanim ang mahigit 240 bamboo propagules ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) sa barangay Battung, Tuao, Cagayan nito lamang ika-1 ng Agosto, 2025.
Naging katuwang ng PNREO sa isinagawang tree growing activity ang 37 benepisyaryo ng I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program mula sa naturang barangay.

Layon ng aktibidad na mas lalo pang paigtingin ang pagsisikap ng PGC na pangalagaan at isaayos ang estado ng Ilog Cagayan at mga tributaryo nito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at kawayan.
Ito ay isang hakbang upang matulungan din ang mamamayan na kumita at magkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangangalaga ng mga ito sa ilalim ng Cash-for-Work Livelihood Program.
Source: CPIO




