18.3 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

OWWA, namahagi ng tulong sa mga pamilya ng OFW na apektado ng Bagyong Emong

Nagsagawa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Welfare Office I ng relief operation para sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Unang Distrito ng La Union na labis na naapektuhan ng Bagyong Emong noong ika-1 ng Agosto 2025.

Ginanap ang aktibidad sa Bacnotan Gymnasium kung saan personal na ipinaabot ng OWWA ang mga espesyal na relief packs bilang bahagi ng kanilang programang “OWWA CARES.”

Ayon sa OWWA, ang pagbibigay ng ayuda ay simbolo ng pagmamahal at malasakit para sa mga modernong bayani ng bansa at kanilang mga pamilya.

Layunin ng programang ito na maipadama sa mga pamilya ng OFW na hindi sila nag-iisa sa panahon ng sakuna, at patuloy silang susuportahan ng ahensya sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

Source: PIA Ilocos Region
DISCLAIMER: CTTO of the photos. No copyright infringement intended

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles