Arestado ng Tracker Team ng Pulilan Municipal Police Station ang isang Top 6 Municipal Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Statutory Rape sa Brgy. Sta. Peregrina, Pulilan, Bulacan, dakong 11:30 ng umaga noong Nobyembre 9, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Kibot,” 21 taong gulang, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Tiniyak ng Bulacan PNP na magpapatuloy ang mga operasyon laban sa mga wanted person upang maipatupad ang batas at mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.




