Iginawad sa Mountain Province ang Gold Award sa 2025 GAWIS Kordilyera Regional Recognition Program na ginanap noong Disyembre 16, 2025 sa Venus Parkview Hotel, Baguio City. Tinanggap ni Engr. Paul M. Lengwa ang parangal sa ngalan ni Governor Bonifacio “Boni” Lacwasan Jr., bilang pagkilala sa matibay na adhikain ng lalawigan sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at serbisyong pangkomunidad.
Isa ang Mountain Province sa tatlong lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR) na ginawaran ng Gold Award. Gold awardees din ang mga bayan ng Tadian at Bontoc, habang tumanggap naman ng Silver Awards ang walong iba pang munisipalidad kabilang ang Barlig, Bauko, Besao, Natonin, Paracelis, Sabangan, Sadanga, at Sagada para sa kanilang tuloy-tuloy na mga inisyatiba sa DRRM.
Kinilala rin ang Mountain Province General Comprehensive High School (MPGCHS) bilang Finalist sa Special Awards dahil sa kahusayan nito sa mga DRRM-related na programa sa sektor ng edukasyon.

Ang GAWIS Kordilyera, na nangangahulugang Governance in Action, Working towards Inclusivity and Safer Cordillera, ay inisyatiba ng Office of Civil Defense Cordillera na nagbibigay-parangal sa kahandaan, katatagan, at inklusibong pamamahala para sa mas ligtas na mga komunidad.
Source: Mountain Province DRRM Office




