17.2 C
Baguio City
Sunday, May 19, 2024
spot_img

Mobile Gamutan, hatid ng Lokal na pamahalaan ng San Ildefonso

Naghatid ng libreng Mobile Gamutan ang lokal na pamahalaan ng San Ildefonso para sa mga residente ng Barangay Buhol na Mangga, San Ildefonso nito lamang Biyernes, ika-3 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, kasama ang Municipal Health Office sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Reginell Nunez.

Tampok sa aktibidad ang medical check-up, laboratory examinations, dental check-up at libreng eyeglasses para sa mga senior citizen. 

Bukod pa dito ay nagsagawa rin ang grupo ng sanitary inspection sa Barangay, health promotion activity, bedridden check-up, feeding program at namahagi ng vitamins para sa mga bata at buntis.

Ang aktibidad ay isang patunay ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng San Ildefonso sa pangunguna ng kanilang lokal na pamahalaan upang bigyan ng importansya at mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente ng nasabing lugar. 

Panulat ni Mil

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles