24.9 C
Baguio City
Wednesday, June 10, 2026
spot_img

Libo-libong Isabelino, tumanggap ng Rice Subsidy mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Hindi naging hadlang ang pananalasa ng Bagyong Emong sa patuloy na pamamahagi ng Provincial Government of Isabela ng buwanang rice subsidy sa mahigit 10,200 benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor na ginanap sa The Capital Arena sa Lungsod ng Ilagan, Isabela nito lamang ika-24 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Pinangunahan ni Hon. Rodito T. Albano III, Governor ng Isabela, ang isinagawang distribusyon ng bigas upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasasakupan.

Kabilang sa mga nakatanggap ay mga miyembro ng TODA, PWDs, mangingisda, dating rebelde, solo parent, mga opisyal at kawani ng barangay, at maging mga garbage collector.

Bukod dito, mahigit 2,100 DepEd teaching at non-teaching personnel mula sa mga distrito ng Cabagan, Sta. Maria, Sto. Tomas, San Pablo, at Delfin Albano ang tumanggap rin ng kanilang semestral rice subsidy mula sa kapitolyo.

Sa ilalim ng programang ito, layunin ng pamahalaang panlalawigan na maibsan ang pasaning dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na sa sektor na labis na nangangailangan ng suporta. Patunay ito ng patuloy na malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng bawat Isabelino.

Source: Isabela PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles