23.8 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

LGU Tuguegarao, pinalakas ang Barangay sa GAD at BIMS Orientation

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao City, sa pamamagitan ng City Planning and Development Office (CPDO) katuwang ang DILG Cagayan at DILG Tuguegarao City, ng Orientation on Gender and Development (GAD) Planning and Budgeting na ginanap sa City Hall noong Enero 15, 2026.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga Barangay Secretaries at GAD Focal Persons mula sa 49 barangay, sa pangunguna ng mga tagapagsanay na sina LGOO V Raphonce Taccad at LGOO II Suzette Baysauli ng DILG Cagayan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay.

Tinalakay ni CPDO Coordinator Ms. Chona Sedano, EnP., ang kahalagahan ng maayos at inklusibong GAD planning alinsunod sa JMC No. 2024-01 upang matiyak na ang pondo at programa ng barangay ay tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng sektor.

Isinagawa rin ang workshop sa Local Government Unit Support System – Barangay Information Management System (LGUSS–BIMS) na layong pahusayin ang pangongolekta at pamamahala ng datos para sa mas episyente at modernong serbisyo publiko.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles