23.5 C
Baguio City
Friday, May 17, 2024
spot_img

Homemade 12-gauge shotgun, boluntaryong isinuko ng Barangay Tanod

Boluntaryong isinuko ng Barangay Tanod ang isang homemade 12-gauge shotgun na walang marka at bala sa mga awtoridad sa Barangay Outpost, Dominican, Baguio City nito lamang Pebrero 9, 2024.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng mas pinaigting na kampanya kontra loose firearms at pagsasagawa ng mga serye ng Barangay Visitation sa nasabing lugar.

Patuloy naman ang paghikayat ng mga awtoridad sa mga residente sa kanilang nasasakupan na isuko ang mga ilegal na armas bago pa nila ito magamit sa krimen at maging dahilan ng kanilang pagkakakulong.

Ang inisyatibo na ito ng kapulisan ay bilang pagsuporta sa isinusulong ng pamahalaan na ā€œWhole-of-Nation Approachā€ upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan sa lipunan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles