Matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng mga comfort room para sa LGBTQ nitong ika-30 ng Abril, 2024 sa loob ng Camp Florendo, Parian, City of San Fernand, La Union.
Isa itong inklusibong inisyatibo ng Police Regional Office 1 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Lou F Evangelista na dinaluhan ng mga Senior Officers ng nasabing rehiyon at ng iba pang pulis na nasa kampo.
Ang itatayong pasilidad ay matatagpuan malapit sa ground area ng naturang kampo na maaaring magamit sa anumang oras ng mga personalidad ng PRO1 at iba pang mga indibidwal na bibisita o dadalo sa tuwing may aktibidad at kaganapan sa kampo.
Ang seremonya ay nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang patungo sa pagpapaunlad ng pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagiging kasama sa loob ng pagpapatupad ng batas sa Region 1.
Panulat ni Sane Mind