17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

DTI Region 1, pinangunahan ang Color Fun Walk at Zumba para sa Consumer Welfare Month 2025

Masiglang ipinagdiwang ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 ang Consumer Welfare Month 2025 sa pamamagitan ng isang makulay na Color Fun Walk at Zumba activity na ginanap ngayong umaga, Oktubre 9, 2025, sa Baywalk, Poro Point, San Fernando City, La Union.

Suot ang puting kamiseta na kalauna’y napuno ng makukulay na pintura, nakiisa ang mga kalahok mula sa iba’t ibang sektor sa masayang paglalakad at energizing Zumba sessions. Ang aktibidad ay naging simbolo ng pagkakaisa, malusog na pamumuhay, at masiglang diwa ng isang responsableng konsyumer.

Ang tema ngayong taon, “Bida ang Konsyumer sa Bagong Pilipinas!”, ay naglalayong bigyang-diin ang mahalagang papel ng bawat mamimili sa pagtataguyod ng isang makabago, mas maayos, at makataong lipunan. Hinihikayat nito ang bawat Pilipino na maging matalino sa pagpili, makialam sa mga isyung pangkalikasan, at maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagtatayo ng isang Bagong Pilipinas.

Dumalo sa nasabing kaganapan ang mga empleyado ng pamahalaan, mga kabataan, kinatawan ng pribadong sektor, at mga environmental advocates. Sila ay kinilala bilang mga BIDANG KONSYUMER at Green Champions na sama-samang nagtutulungan para sa kapakanan ng mamimiling Pilipino at sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinalalakas ng DTI ang kamalayan at partisipasyon ng publiko sa mga isyung may kinalaman sa karapatan, proteksyon, at kapakanan ng bawat konsyumer sa bansa.

Source: PIA Ilocos Region

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles