22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

DENR, pinangunahan ang ika-40 International Coastal Clean-Up; Ilocos Norte Police Provincial Office, katuwang sa gawain

Aktibong nakibahagi ang Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) sa ika-40 na International Coastal Clean-Up na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Setyembre 20, 2025 sa baybayin ng Brgy. Masintoc, Paoay, Ilocos Norte.

Ang pakikilahok ng INPPO sa gawaing ito ay nagpapakita ng kanilang matibay na suporta sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kalikasan at tugunan ang lumalalang isyu ng polusyon sa karagatan. Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng kapulisan tungo sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan at ng komunidad, layunin ng International Coastal Clean-Up na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng responsableng pamamahala ng basura, partikular sa mga baybaying-dagat at katubigan.

Ang INPPO ay nananatiling kaisa ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan, bilang bahagi ng kanilang mas malawak na tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Source: Ilocos Norte Police Provincial Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles