24.8 C
Baguio City
Friday, May 17, 2024
spot_img

Clean-up Drive isinagawa sa Bulacan

Tulong-tulong ang mga ahensya ng pamahalaan sa isinagawang clean-up drive sa Barangay Poblacion, Meycauayan, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-8 ng Nobyembre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office, Meycauayan City PNP at mga opisyal ng barangay.

Ang aktibidad ay kaugnay sa programa ng pamahalaan na “Manila Bayanihan” na naglalayong muling malinis at mapangalagaan ang Manila Bay.

Nagtulungan ang mga naturang grupo sa pagtatanggal ng mga basura at mga plastik na nakalutang sa ilog na maaring magdulot ng polusyon.

Sinisiguro ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na patuloy silang magsasagawa ng mga aktibidad at programang nangangalaga sa kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles