22.2 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Ballesteros District Hospital, nanguna sa “Iwas Paputok Campaign” para sa Ligtas na Holiday Celebration

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya upang isulong ang ligtas at malusog na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bayan ng Ballesteros nagsagawa ang Ballesteros District Hospital ng “Iwas Paputok Campaign” sa Ballesteros, Cagayan nito lamang ika 23 ng Disyembre, 2025.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng isang motorcade na umikot sa mga pangunahing lansangan ng bayan, na layong ipaalala sa publiko ang mga panganib ng paggamit ng paputok at hikayatin ang mas ligtas na alternatibo sa pagdiriwang. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng temang “Nagkakaisang Cagayan Para sa Kalusugan at Kaligtasan.”

Dumalo at nagpaabot ng suporta sa kampanya si Ballesteros Mayor Robert Ogalino. Naging katuwang din sa nasabing aktibidad ang Rural Health Unit (RHU), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Kaakibat CIVICOM Ballesteros Chapter, gayundin ang iba’t ibang non-government organizations (NGOs).

Sa kanilang mensahe, binigyang-diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng disiplina at pakikiisa ng mamamayan upang maiwasan ang mga insidente ng injury at sunog na karaniwang naiuugnay sa paggamit ng paputok tuwing holiday season.

Samantala, patuloy ang panawagan ng mga kinauukulang ahensya sa publiko na makipagtulungan at maging mapagmatyag upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon para sa lahat.

Source:CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles