Namigay ng libreng binhi ang Lokal na Pamahalaan ng Paniqui, Tarlac sa mga kababayang magsasaka na ginanap sa Municipal Agriculture Office, Paniqui, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-23 ng Mayo 2024.
Ang naturang proyekto ay pinamunuan ni Mayor Max Roxas at Vice-Mayor Bien Roxas katuwang si Ms. Jessie Piayo, Officer-In-Charge ng Municipal Agriculture Office.
Masayang nakatanggap ang mga residente ng Paniqui ng libreng binhi at abono.
Layunin ng libreng binhi na makapagbigay ng suporta upang mapaunlad ang agrikultura, mapalakas ang seguridad sa pagkain at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mamamayan.
Panulat ni Digna Jane Tenorio Malubay