16.1 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Groundbreaking Ceremony ng Multi-Purpose Sports Complex, isinagawa ng San Marcelino LGU

Pormal na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng San Marcelino ang Groundbreaking Ceremony para sa San Marcelino Multi-Purpose Sports Complex sa harap ng Municipal Covered Court nito lamang Sabado, ika-18 ng Mayo 2024.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Hon. Cong. Jay Khonghun, Zambales 1st District Representative, kasama ang butihing Ama ng Bayan na si Hon. Elmer Soria, kasama ang iba pang opisyal ng naturang bayan, katuwang ang mga kinatawan mula sa DPWH 2nd District Engineering Office na pinamumunuan ni Assistant District Engr. Rey Lerio.

Ang nasabing proyekto ay sa suporta ng DPWH sa tulong ni Hon. Cong. Jay Khonghun.

Laking pasalamat ni Mayor Elmer kay Cong. Jay Khonghun at ang DPWH para sa katuparan ng proyektong ito.

Binanggit ni Mayor Elmer na ang gusali ay maituturing na all-in-one dahil bukod sa pagdadausan ng malalaking aktibidad, magkakaroon din ito ng espasyo para sa trade fairs, at mga conferences.

Ipinahayag naman ni Cong. Jay ang kanyang patuloy na suporta sa bayan ng San Marcelino sa mga plano at proyekto ng bayan lalo na sa mga serbisyong panlipunan at iba pang pangangailangan ng nasasakupan.

Panulat ni Lixen Reyz Saweran

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles