Sa ilalim ng Operation Smile Philippines (Kapampangan Development Foundation) sa pakikipagtulungan ng Tarlac City Government na pinamumunuan ni Mayor Cristy Angeles, matagumpay na naisakatuparan ang libreng serbisyo nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2024.
Matagumpay na naoperahan ang mga benepisyaryo ng libreng cleft palate operation na kung saan ang mga pasyente ay nakatanggap ng isang life changing surgery, parte ng komprehensibong 22-in-1 Angel Care Program ng Ina ng Lungsod.
Ang libreng cleft palate operation ay bukas para sa mga isang taon hanggang 20-anyos samantalang ang libreng cleft lip operation ay para sa mga anim na buwang gulang pataas.
Patuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng pamahalaang panlungsod lalo na sa sektor ng kalusugan upang matulungan at maramdaman nila ang pagmamahal ng pamahalaan para sila ay mamuhay ng masaya at may malusog na pangangatawan.
Source: Tarlac City Information Office