15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Loose Firearm, boluntaryong isinuko ng isang dating rebelde

Boluntaryong isinuko ng isang dating rebelde ang kanyang loose firearm sa awtoridad sa Sitio Agumanay Barangay Gayaman, Luba, Abra nito lamang ika-11 ng Mayo 2024.

Ang nasabing armas ay isang homemade revolver calibre .357, walang marka, serial number at may dalawang bala.

Hindi na pinaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na pagsasagawa ng kampanya kontra Loose Firearms ng mga kapulisan sa kanilang nasasakupan.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Luba MPS ang naturang armas para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.

Ang inisyatibong ito ng pulisya ay bilang pagpapaigting sa kampanya kontra loose firearms upang mapanatiling ligtas at payapa ang probinsya ng Abra.

Pebbles

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles