Boluntaryong isinuko ng isang magsasaka ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Kabugao Municipal Police Station sa Barangay Poblacion, Kabugao, Apayao nito lamang ika-8 ng Mayo 2024.
Ang nasabing armas ay isang (1) unit Cal. 45 Para Ordinance Pistol na may serial number na 582775 at isang (1) magasin na walang bala.
Batay sa nagsuko, ang baril ay ibinigay sa kanya ng kanyang pinsan na tumangging ipaalam ang pagkakakilanlan para sa kanyang kapakanan.
Samantala, ang armas ay nasa pangangalaga ng Kabugao Municipal Polie Station para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na pagsasagawa ng kampanya kontra loose fierearm pursuant to the provision of Republic Act 10591 ng mga kapulisan.