Nagsagawa ng Internal Quality Auditors Skills Enhancement Training para sa mga Internal Quality Auditors ng lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos City, Pangasinan sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste nito lamang ika-18 ng Abril 2024.
Pinangunahan ni Engr. Carmelito Y. Bontia ng Neo-Amca Innovative Solutions Corporation ang talakayan na ginanap sa City Conference Hall.
Ang layunin ng pagsasanay na ito ay upang linangin at hubugin ang kakayanan ng mga Internal Auditors para sa pagpapaigting ng Internal Quality Function ng pamahalaang lungsod ng Alaminos.