Tinatayang nasa 51% accomplished na o nasa 67,328.92 km sa kabuuang 131,410.66 km na target ng Farm to Market Road Network Program ni President Ferdinand R Marcos Jr sa buong Pilipinas.
Ang Farm to Market Road Network Program ay isa sa mga long-term programs ng Pangulo na inaasahang ganap na matapos sa taong 2028. Layunin nitong payabungin pa ang connectivity status ng bansa lalong-lalo na sa sektor ng agrikultura upang mas mapabilis pa ng mga magsasaka ang pagdala nila sa kanilang mga produkto sa iba’t ibang mga pamilihan.
Source: DWIZ at ALIW23