Hindi pinalampas ng Public Order and Safety Office (POSO) ang mga drayber na pasaway na nagmamaneho ng pampubliko at pribadong sasakyan sa siyudad ng Tarlac City nito lamang Lunes, ika-30 ng Oktubre 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Angeles City katuwang ang mga tauhan ng Tarlac City Public Order Safety Office.
Pinatawan ng Citation Ticket ang mga drayber na hindi sumusunod sa batas trapiko gaya ng hindi pagsuot ng helmet, counterflow at mga colorum na sasakyan.
Hindi patitinag ang POSO sa mga pasaway na drayber at kanilang sisiguraduhin ang patas na pagpapatupad ng batas trapiko upang maging maayos at mapayapa ang takbo ng trapiko sa kanilang nasasakupan.