Matagumpay ang Pre-Marriage Orientation and Counseling ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City para sa mga magsing-irog ng Barangay Sinait, Tarlac City, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-23 ng Agosto 2023.
Ito ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Tarlac City Population Commission Office.
Umabot sa 25 couples ang sumailalim sa orientation patungkol sa tamang pangangasiwa ng pamilya, maging responsableng magulang, budgeting, at family planning.
Layunin nito ang mabigyan ng kaalaman patungkol sa buhay mag-asawa at mapagtibay ang relasyon ng magsing-irog kasama ang kanilang magiging anak o pamilya tungo sa magandang kinabukasan.