Boluntaryong sumuko ang dating rebelde sa mga awtoridad sa Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-14 ng Agosto 2023.
Kinilala ang rebelde na si alyas “Ka Sonny” na dating miyembro ng Underground Mass Movement ng Liga ng Manggagawang Bukid.
Kasabay ng pagbabalik-loob ang kanyang pagsuko ng isang caliber .38 revolver na may holster at dalawang bala.
Patuloy ang ating pamahalaan sa paghikayat sa mga mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at iwaksi ang terorismo sa bansa.