Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Angeles City Health Office ang Fumigation laban sa lamok na may dalang dengue sa mga iba’t ibang paaralan ng Angeles City nito lamang Martes, ika-15 ng Agosto 2023.
Pinamunuan ito ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office-Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat sulok ng paaralan na kung saan naninirahan ang mga lamok na may dalang sakit na dengue na may layunin na maprotektahan ang kalusugan ng mga bata laban sa mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue ngayong nalalapit na pasukan sa pampublikong paaralan sa nasabing siyudad.
Aniya ni Mayor Lazatin, “kailangang matiyak ang kalusugan ng mga bata at guro sa dengue bago mag-umpisa ang pasukan”.