Matagumpay na inilunsad ang pinasayang caravan sa Barangay Cabaruan, Maddela, Quirino noong ika-10 ng Agosto 2023.
Ang “I Love Quirino“ Pinasayang Caravan ay pinangungunahan ni Hon. Dakila Carlo E Cua, Governor ng Quirino Province katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng nasabing bayan.
Naghatid ng libreng gupit, libreng tuli, dental check-up, National ID registration at Philippine Statistics Authority request na kung saan 232 ang nabenepisyuhan ng libreng serbisyo.
Layunin ng aktibidad na ilapit ang mga serbisyong hatid ng pamahalaan at isulong ang ugnayan ng komunidad tungo sa mapayapa at maunlad na lipunan.
Source: Pia Quirino