Nahukay ang bangkay ng isang lalaking natabunan ng gumuhong lupa dahil sa bagyong “Egay” sa Butao, Calanasan, Apayao nito lamang ika-10 ng Agosto 2023.
Kinilala ang biktima na si Bernard Amlag Dasilag, 52, single, CAFGU member, naka-assign sa Butao Patrol Base, at residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, nahukay ang bangkay sa isinagawang Search Rescue and Retrieval Operation sa pinagsamang puwersa ng mga tauhan ng Calanasan PNP, BDRRMC Butao, AFP, at CAFGU sa tulong na rin ng back hoe equipment.
Positibo naman itong kinilala ni Renato Dasilag, Chief Tanod, tito ng biktima dahil na rin sa kulay at brand ng kanyang shorts.