Nagsagawa ng Libreng Tuli Operation Program ang City Government ng Tarlac na ginanap sa KAISA Convention Hall Barangay Cut-Cut 1st, Tarlac City, Tarlac nito lamang Martes, ika-8 ng Agosto 2023.
Ang naturang programa na pinangasiwaan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang si City Health Officer Dra. Ma. Carmela Go.
Sumailalim ang 500 kabataan sa nasabing operasyon at binigyan ng libreng gamot upang agad na maghilom at maiwasan ang impeksyon.
Matagumpay ang libreng tuli ng Lokal ng Pamahalaan ng Tarlac City na binibigyang prayoridad ang kalusugan at kapakanan ng bawat indibidwal na kanilang nasasakupan.