Nagsagawa ng pamamahagi ng food packs sa mga bayan ng Abulug at Ballesteros sa Cagayan para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay na pinangunahan ng mga miyembro ng The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagle (TFOE-PE) kasama ang Abulug at Ballesteros Police Station.
Pinilahan ng mga residente ng Barangay Mabuttal West, Cabulluan East at Centro East Ballesteros, Cagayan ang mga food packs na dala ng mga grupo kasama ang Ballesteros Police Station sa pangunguna ni Police Major Marlou U Del Castillo, Chief of Police kasama si Police Major Mary Jane Sibbaluca, Chief HRAO 2.
Nakatanggap ang 900 na residente sa nabanggit na bayan ng mga food packs na naglalaman ng bigas, noodles, de lata, toothpaste, bath soap, detergent powder, kape, mga balde, tabo at mga used clothes.
Samantala, nagkaroon din ng kaparehong aktibidad sa bayan ng Abulug partikular sa mga Barangay ng Sta. Rosa, Giddam at Canayun.
Source: Ballesteros and Abulug PS