15 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Naguilian PNP, nagsagawa ng First Aid at Earthquake Response Training

Nagsagawa ang Naguilian PNP sa pamumuno ni Police Major Junneil A Perez ng Earthquake Response Training na ginanap sa Brgy. Cabaruan, Naguilian, Isabela noong ika-31 ng Hulyo 2023.

Isinagawa ang aktibidad bilang paggunita sa 2023 Disaster Resilience Month kung saan kabilang sa training ang mga opisyales ng limang barangay sa naturang munisipalidad.

Katuwang sa pagtuturo ang MDRRMO Naguilian na pinangunahan ni Mr. Juancho Mari M. Bigornia, MDRRMO Officer, BFP Naguilian at Municipal Health Unit sa pangunguna ni Dra. Maricar Capuchino.

Samantala, tinuruan naman ang mga miyembro ng BPATs sa paggamit ng arnis sa pangunguna naman ni Patrolman Jemimah C Mina.

Layunin ng aktibidad na maihanda ang mamamayan para sa panahon ng mga sakuna na maaaring maranasan.

Source: Naguilian PS

Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles