Nagsagawa ng relief operations ang mga awtoridad para sa mga residente ng Barangay San Isidro at Salomague, Paniqui, Tarlac nito lamang Linggo, ika-30 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ito ni Hon Jaime D. Cojuangco, District Representative, Tarlac, 1st District.
Namahagi ng mga relief packs sa mga mamamayan na naapektuhan ng pagbaha na dulot ng pagragasa ng bagyong “Egay”.
Patuloy ang pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga mamamayang Pilipino lalo na sa panahon ng sakuna at krisis sa bansa.