18.8 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

Lalaki, patay sa bagyong “Egay”

Isang lalaki ang namatay habang nananalanta ang bagyong “Egay” sa SO Pakkil, Caluttit, Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-26 ng Hulyo 2023.

Ayon kay Mr. Farongkay, kasamahan ng biktima, habang nagkakape sila sa kanilang shanty ay naisipan nitong lumabas at si Mr. Sagandoy ay naiwan sa kanilang shanty dahil sa malakas na hangin at ulan dulot ng bagyong Egay ay nagkaroon ng soil erosion at natabunan ang biktima.

Agad naman itong nirespondehan ng mga tauhan ng Mt. Province 2nd PMFC at sinugod sa Bontoc General Hospital subalit ito ay idineklarang patay bandang 5:45 ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Mangintee Sagandoy, 38 at residente ng Betwagan, Sadanga, Mountain Province.

Paalala naman po ng mga awtoridad na mag-ingat at maging alerto lalo ngayong may bagyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles