Nagbigay ng Php5,637,240 budget ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 sa lokal na pamahalaan ng Tuguegarao noong ika-18 ng Hulyo 2023.
Ang naturang budget ay nakalaan para sa selebrasyon ng 2023 Nutrition Month para sa implementasyon ng 13th cycle ng Supplementary Feeding Program (SFP) ngayong 2023 at 2024.
Ang tanging layunin nito ay matugunan ng tamang nutrisyon ang 2,237 na mga bata para sa supplementary feeding ng bayan. Ang programa ay inaasahang maumpisahan sa buwan ng Setyembre ngayong taon.