Sumuko ang tatlong miyembro ng Underground Movement Organization (UGMO) sa mga awtoridad sa Brgy. Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Martes, ika-18 ng Hulyo 2023.
Hindi na pinangalanan ang tatlong sumuko para sa kanilang seguridad at lumagda ng Oath of Allegiance to the Government bilang pagpapatunay sa pagiging tapat at taos-pusong pagbabalik-loob sa ating gobyerno.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay isinuko rin nila ang isang improvised firearm na “Deposporo”.
Patuloy ang panawagan ng ating pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng komunistang grupo na magbalik-loob sa gobyerno upang makamtan natin ang tunay na kapayapaan sa ating pamayanan.