Isang loose firearm ang boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen sa himpilan ng Baguio City Police Station 3 sa Barangay Pacdal, Baguio City nito lamang Hulyo 17, 2023.
Ang loose firearm ay isang caliber .38 (Smith and Wesson) na may serial number 29071 at walang bala.
Ayon ulat, nagdesisyong isuko ang nasabing baril sa himpilan ng pulisya sa kadahilanang patay na ang nagmamay-ari nito.
Samantala, hinikayat naman ng Baguio PNP ang lahat ng firearm owners na walang lisensya na isuko ang kanilang mga baril upang maiwasan ang kasong pwedeng ipataw sa kanila.