Matagumpay na idinaos ang pagpupulong ng mga miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC) ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao.
Kasama sa programa ang mga kinatawan ng National Youth Commission (NYC) na nagbigay ng oryentasyon hinggil sa Youth Organization Registration Program (YORP).
Bukod dito, napag-usapan din sa pulong ang iba’t ibang aktibidad na gaganapin sa Araw ng Kabataan sa darating na Agosto 12, 2023.
Ang pulong ay dinaluhan nina LYDO Designate Dominic B. Baggayan, Atty. Renz Angelo P. Umambong-Legal Adviser ng Council, SK Federation President Karen T. Narag, SK Vice President, mga opisyales ng iba’t ibang youth-led at youth-serving organizations, maging ang mga Presidente ng iba’t ibang Unibersidad sa Lungsod.
Ang Local Youth Development Council ay patuloy na magtatrabaho para sa ikauunlad ng sector ng Kabataan at upang mapakinggan ang kanilang mga mungkahi para sa Kabataan ng Tuguegarao.
Source: Tuguegarao City Information Office