Binawi ng labing limang aktibista (15) ang suporta sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) at ikinasa ang Peace Rally na ginanap sa Barangay Catimon, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-14 ng Hulyo 2023.
Sa pakikipagkaisa ng mga nagbalik-loob sa gobyerno sa isang Local Peace Engagement ng Nueva Ecija PNP sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Director na si Police Colonel Richard V Caballero naisakatuparan ang pagbabalik-loob ng mga dating 15 na aktibista at lumagda ng Oath of Allegiance to the Government.
Kaya naman bilang pagbabalik-loob sa pamahalaan, ikinasa nila ang Peace Rally sa nasabing lugar upang ibahagi ang impormasyon ng may kapayapaan.
Samantala, nagbigay ng agarang grocery packs ang pulisya na likas sa taos-pusong paghahatid nito ng serbisyo sa lahat ng nagbalik-loob.