Naghatid ng tulong pinansyal at bigas ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando para sa mga nasalanta ng baha sa Barangay San Nicolas, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Linggo, ika-16 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ito nina Mr. Philip Enzo Caluag at Chloe Caluag katuwang ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nagbigay ng tig-limang kilong bigas at tulong pinansyal sa 123 na pamilya na labis na naapektuhan ng pagbaha sa naturang barangay.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando sa paghahatid ng tulong sa mga residente lalo na sa mga lubos na nangangailangan.