Sumuko ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa 1st PMFC Headquarters, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-12 ng Hulyo 2023.
Kinilala ang nagbalik-loob na sina alyas “Ka Celso”, 35; “Ka Ian”, 48, pawang miyembro ng New People’s Army, at “Kobe”, 56, miyembro ng Kalipunang ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).
Napag-alaman na isinuko rin ang tatlong 38 kalibre ng baril.
Patuloy pa rin ang pagpapaigting ng pamahalaan sa kampanya laban sa insurhensiya at terorismo at nananawagan sa natitira pang grupo ng NPA na magbalik-loob upang makasama ang kanilang sariling pamilya.