Nagsagawa ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Gerona ng Tree Planting Activity sa Barangay San Agustin, Gerona, Tarlac nito lamang Sabado, ika-15 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ito ni Hon. Eloy C Eclar, Municipal Mayor katuwang ang Charoen Pokphand Food Philippines Corporated.
Dinaluhan din ito ng mga tauhan ng Gerona PNP, miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group and Force Multipliers at mga opisyal ng barangay.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Arbor Day kung saan nagtulungan sa pagtatanim ng mga punong-kahoy sa naturang lugar.
Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligiran at mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan.