Nagbalik-loob ang limang miyembro ng Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA) at binawi ang suporta sa New People’s Army (NPA) sa Barangay Kalabasa, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-6 ng Hulyo 2023.
Lumagda ng Oath of Allegiance to the Government ang limang dating tagasuporta na nagpapatunay ng kanilang katapatan sa pagbabalik-loob sa gobyerno.
Nabiyayaan din ng grocery packs at bigas upang panimula sa kanilang pamumuhay na naghatid ng saya at nagpapakita ng malasakit ng Nueva Ecija PNP sa pagsugpo ng terorismo at inhursensiya at mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.