15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Plastic Palit Bigas Project muling umarangkada sa Angeles City

Tuloy-tuloy ang programa na Plastic Palit Bigas Project ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Capaya, Angeles City nito lamang Martes, ika-16 ng Mayo 2023.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pamumuno ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City.

Bawat isang kilong plastic kapalit ang isang kilong bigas na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at bawas sa gastusin.

Kaya naman, nakakatulong din ang nasabing proyekto sa ating kalikasan na mabawasan ang plastic na nagdudulot ng polusyon sa kanilang lugar.

Patuloy ang pamahalaan ng Angeles City sa paghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa ating kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles