15 C
Baguio City
Saturday, October 26, 2024
spot_img

2 Centenarians mula Mt. Province tumanggap ng parangal at cash assistance

Tumanggap ng parangal at cash assistance ang dalawang Centenarian mula sa Provincial Government ng Mt. Province nito lamang Mayo 15, 2023.

Ang parangal ay iginawad nina Sangguniang Panlalawigan Members Henry D. Bastian Jr., Johnson D. Bantog at Ricardo M Masidong, Provincial Social Welfare and Development Officer Miguela P. Awingan.

Katuwang ang mga Provincial Government employees ng Besao at Tadian local officials, gayundin ng mga kaanak ng centernarians at media.

Tumanggap ng Php50,000 sina Angelina Ag-a ng Soquib, Besao at Magdalena Bisoy Dida ng Tue, Mt. Province.

Bukod pa rito, sila rin ay kapwa tatanggap ng Php100,000 alinsunod sa RA 10868 o The Centenarian Act of 2016 bilang regalo ng pamahalaan para sa mga taong aabot sa edad na 100.

Samantala, nagbahagi naman ng sikreto ang mga centenarians kung paano humaba ang kanilang buhay, ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng “ube/togi” o sweet potatoes at banana blossoms.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles